Isang convenience store ang hinoldap ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Muzon 1st, Alitagtag, Batangas, bandang alas-9:28 ng gabi nitong November 13, 2026.
Tinatayang dalawang libong piso ang natangay ng mga suspek matapos tutukan ng baril ang store crew na babae at sapilitang kunin ang pera.
Agad na tumakas ang mga ito sakay ng itim na motorcycle patungong Barangay Sta. Cruz.
Nakasuot ng pulang helmet ang driver, habang violet na cap naman ang back rider na may dalang hindi pa natutukoy na baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy at mahuli ang mga suspek. | BChannel news