Nasawi ang isang 55-anyos na lalaki matapos tangayin ng malakas na agos habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang mga kaibigan sa Barangay San Diego, Lian, Batangas, nitong November 13.
Batay sa initial investigation ng Lian Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-12:30 ng tanghali nang biglang tangayin ng malakas na current ang biktima na si Jason at kanyang mga kasama patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat.
Nagawa pa umano ng biktima na mailigtas ang isa niyang kaibigan mula sa pagkalunod, ngunit siya mismo ay tuluyang lumubog at hindi na nakita ng kanyang mga kasama.
Humingi ng tulong ang mga kaibigan para hanapin siya. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ang biktima at isinugod sa Hospital para sa emergency treatment at resuscitation.
Gayunman, idineklara siyang dead on arrival bandang alas-3:25 ng hapon. | BChannel news