Isang 47-anyos na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Lipa Component City Police Station matapos mahulihan ng ilegal na baril sa District 5, Sitio Toribio, Purok 5, Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas nitong December 11.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, isinilbi ang isang search warrant na inilabas ng RTC Branch 13 noong December 4 sa suspek na si Israel, tubong Baguio City.
Ayon pa sa kapulisan, maayos na naisagawa ang operasyon at sinaksihan ng mismong suspek, ng kaniyang kapatid at ilang konsehal ng barangay.
Nasamsam mula sa suspek ang isang Glock 17 pistol na may magazine na may 17 bala, isang extended magazine na may 31 bala, isang Ronin carbine kit at kahon nito, pati na iba’t ibang expired IDs kabilang ang expired na firearm registration card.
Ipinaalam sa suspek ang kaniyang karapatan bago tuluyang arestuhin. Gumamit din ng body-worn cameras ang mga pulis habang isinasagawa ang operasyon na nagtapos pasado ala-una ng hapon. | BChannel news