Matagumpay ang rescue operation na isinagawa ng Bureau of Fire Protection sa San Jose, Batangas nitong Linggo, Pebrero 22 matapos maipit ang paa ng isang biktima sa conveyor belt machine.
Sa pangunguna nina Regional Director FCSUPT Roy Roderick Aguto, Provincial Fire Marshal FSSUPT Annalee G. Carbajal-Atienza, at Municipal Fire Marshal FSINSP Mae Joy T. Enerlan, agad na nagsagawa ng extrication ang mga tauhan ng San Jose Fire Station at SRF Batangas.
Maingat na inalis ang pagkakaipit ng paa ng lalaki habang tiniyak ang kaligtasan at tamang pag-stabilize ng biktima.
Ipinakita ng operasyon ang mabilis na aksyon, kahandaan, at matibay na pagtutulungan ng mga bumbero sa oras ng emergency. | BChannel news