Inaprubahan ng World Bank ang $800-million o mahigit 44 bilyong pisong loan para tulungan ang Pilipinas na palakasin ang ekonomiya, lumikha ng mas maraming trabaho, at pagandahin ang kakayahan ng mga manggagawa.
Ayon sa World Bank, gagamitin ang pondo para mapahusay ang pamamahala sa pondo ng gobyerno, mapababa ang gastos sa pagnenegosyo, at makahikayat ng mas maraming pribadong investments sa bansa.
Kasama rin sa reporma ang pagpapalakas ng edukasyon, skills training, at innovation upang mas maging handa ang workforce sa mas maayos at produktibong trabaho.
Sinabi ng World Bank na makakatulong ito upang magkaroon ng mas de-kalidad na investments, mas mataas na productivity, at mas magandang kabuhayan lalo na para sa kabataan at kababaihan.
Para naman kay Finance Secretary Frederick Go, patunay ang loan na ito ng tiwala ng international community sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.