Pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng price ceiling sa imported rice, posibleng nasa ₱50 kada kilo, para makontrol ang pagtaas ng presyo sa merkado.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., tinitingnan pa ang legalidad nito at irerekomenda kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. kung papayagan. Hindi pa ito ipapatupad sa lokal na bigas upang hindi maapektuhan ang kita ng mga magsasaka.
Samantala, patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at shipping cost dahil sa tensyon sa Middle East, dahilan para tumaas ang imported rice. Sa kabila nito, sinabi ng DA na ang presyong ₱60 hanggang ₱65 kada kilo ay halos profiteering na.
Bilang tugon, nagbebenta na ang gobyerno ng mas murang bigas sa halagang ₱45 hanggang ₱48 kada kilo sa piling lugar.