fbpx

MAG-IINA KABILANG ANG 5 BUWAN NA SANGGOL PATAY SA PANANAKSAK SA LABAS NG BAHAY

Karumal-dumal ang sinapit na pagkamatay ng isang ina at ang dalawang anak nito matapos tadtarin ng saksak ng hindi pa kilalang suspek sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Pupua Catbalogan City, Samar nitong Agosto, 30.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rhea Oreo, 26-anyos, 3-anyos na babae, at ang 5 buwan na sanggol.

Sa ulat ng pulisya, pauwi na sana ang mister mula sa pagpe-pedicab nang matagpuan ang kanyang pamilya na walang buhay at tadtad ng saksak habang nakahandusay sa labas ng kanilang tahanan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen. | 📸 Catbalogan PNP

About Author