Ginanap ng DepEd ang kauna-unahang Classroom Summit, kung saan nagtipon ang gobyerno, pribadong sektor, at local partners para solusyunan ang matagal nang backlog ng silid-aralan — tinatayang 165,000 ang kulang noong 2022.
Ipinakita sa summit ang mga bagong classroom designs, tinalakay ang construction capacity, at inilunsad ang STRIDE Dashboard para mas madali matukoy kung saan pinaka-kailangan ang silid-aralan at guro.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng summit na pabilisin ang proseso at suportahan ang edukasyon agenda ng Pangulo.
Kasama rin sa event ang Pledge of Commitment para sa mabilis at maayos na procurement at ang pagpapakita ng disaster-resilient at temporary learning spaces. | BChannel news