Opens in a new tab
Skip to content
News

Bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo natagpuan sa Lipa City, Batangas

crime scene do not cross signage

Isang 41-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa gilid ng Lipa-Padre Garcia Bypass Road sa Purok 1, Barangay San Francisco, Lipa City, Batangas, nitong umaga ng Hunyo 22.

Ayon sa Police Regional Office CALABARZON, bandang alas-6 ng umaga nang makita ng mga jogger ang biktima na nakahandusay at may tama ng bala sa ulo.

Sa pagdating ng mga imbestigador, nakarekober ng wallet na may mga ID na naging daan para makilala ang biktima na si Jeff, tubong Alabat, Quezon at kasalukuyang residente ng sa Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Nakita rin sa pinangyarihan ang apat na basyo ng bala ng 9mm na posibleng may kaugnayan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa pamamaril at makilala ang nasa likod ng krimen.