Isinusulong ni Senator Loren Legarda ang pagpasa ng Senate Bill No. 2600 o Constitutional Translation and Access Act upang mas maraming Pilipino ang makaunawa sa 1987 Constitution gamit ang wikang mas pamilyar sa kanila.
Sa ilalim ng panukala, pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ang pagsusuri sa mga kasalukuyang salin at paggawa ng plano para makumpleto ang mga hindi pa naisasaing pagsasalin nito sa major regional languages at iba pang wika.
Layunin ding gawing libre at madaling ma-access ang mga salin sa pamamagitan ng official government websites at pamamahagi ng printed copies sa mga public library.
Maaari rin itong gamitin bilang supplementary reading materials sa mga paaralan sa tulong ng Department of Education o DepEd at Commission on Higher Education o CHED.
Ayon kay Legarda, mahalagang nauunawaan ng bawat Pilipino ang Saligang Batas dahil dito nakasaad ang kanilang mga karapatan, tungkulin ng pamahalaan at limitasyon ng kapangyarihan nito.
Matatandaang naghain na rin siya ng mga kahalintulad na panukala noong 16th at 17th Congress upang maisulong ang paggamit at pangangalaga sa mga wika sa bansa.