Opens in a new tab
Skip to content
International

Oil tanker tinamaan sa Persian Gulf, isang Pinoy na marino pat^y — DMW

Isa ang nasawi matapos tamaan ng projectiles ang isang oil tanker sa Persian Gulf habang patungo sa Bahrain noong November 5.

Kinilala ang barko bilang MT Velos Sapphire na may bandila ng Marshall Islands at pinamamahalaan ng Greek company na Velos Tankers.

Ayon sa kumpanya, nagkaroon ng pagsabog at sunog sa barko. Agad itong naapula ng mga crew. Wala ring naiulat na oil spill.

Samantala, kinumpirma ni Department of Migrant Workers o DMW Secretary Hans Cacdac na isang Pinoy seafarer ang nasawi at isa ang sugatan sa insidente na naganap alas-9:39 ng gabi.

Nakaligtas naman ang 20 iba pang Pinoy seafarers na sakay ng tanker.

Nakipag-ugnayan na rin ang DMW sa manning agency ng mga tripulante, habang iniimbestigahan pa ang insidente at sinusuri ang pinsala sa barko.